Martes, Enero 29, 2013

INTEGRATING ICT IN EDUCATION - sample lesson plan



Grade IV    
Subject: HEKASI 
Aralin 22

I.Layunin :  Naiuugnay Ang lokasyon sa klima ng bansa.
II. Paksang Aralin
A.      Ang Klima at Temperatura ng Pilipinas,  
Texto: MAKABAYAN SA BAGONG HENERASYON (Pahina 52-53)

B.      Pagsasanib
1.       Filipino - Pagsulat ng talata
2.       ICT – paggamit ng mkabagong teknolohiya sa pananaliksik at pag-aaral

C.      Kagamitan:  Globo, flashlight, computer, overhead projector
     
III. Pamamaraan
A.      Panimulang Gawain
1.       Pagtsek sa takdang Gawain
2.       Pagbabalik-aral
-          Saang digri latitud matatagpuan ang Pilipinas?
-          Sa anong digri longhitud ito matatagpuan?
3.       May kaugnayan ba ang lokasyon sa klima ng bansa?
4.       Gamit ang overhead projector, magpakita ng mga larawan at video clips na nagpapakita ng iba’t ibang klima ng iba’t ibang lugar sa mundo.
  
B.      Bagong Aralin
1.       Ipaturo sa globo ang sakop ng mataas na latitud, mababa at gitnang latitud
o   Anong latitud ang tumatanggap ng diretsong init ng araw?
o   Anong latitud ang tumatanggap ng pahilis at di matinding  sikat ng araw?
o   Anong latitud ang tumatanggap ng pahilis at di gaanong  init ng sikat ng araw?
2.       Anu-ano ang klima sa mataas na latitud?
-          Sa mababang latitud?
-          Sa gitnang latitud?
3.       May kaugnayan ba ang lugar o kinalalagyan ng isang bansa sa uri ng klima at temperatura nito?
4.       Gamit ang globo at flashlight
-Magpahanap ng bansa at ipasabi kung ano ang latitud nito.
- Ano ang klima nito?

 5.  Magpakita ng video clips na naglalahad at nagpapaliwanag kung paano naaapektuhan ang klima ng iba’t ibang bansa ayon sa lokasyon ng mga ito.

 


C.      Pangwakas na Gawain
Hanapin sa globo ang mga sumusunod na bansa at sabihin kung anong latitud at ang karaniwang klima at temperatura nito:
1.       Canada
2.       Tsina
3.       Saudi Arabia

IV. Pagtataya
Piliin ang tamang sagot.
1.       Dahil nasa gitnang latitud ang Estados Unidos, ang klima nito ay __________.
a.       Apat na uri
b.      Dalawang uri
c.       Iisang uri
2.       Sa mga lugar na malapit sa ekwador ay _________.
a.       Palaging malamig
b.      Palaging umuulan
c.       Palaging mainit
3.       Dahil hindi matindi ang sikat ng araw sa Antartika, ang uri ng klima nito ay ______.
a.       Lagi itong balot sa yelo
b.      Matindi ang init dito
c.       Madalas ang ulan dito
4.       Malapit sa mga latitud ng tropiko ng kanser at kaprikornyo ang Iran, Mongolia, Arabia at Chile. Ang klima rito ay _________________.
a.       Parang yelo sa lamig
b.      May mahabang taglamig kaysa tag-init
c.       Tuyo at mainit
V. Takdang Aralin
A.  Isulat sa isang talata kung saan ang lokasyon ng mga sumusunod:
Ilarawan ang klima ng bawat isa.
1.       Siberia
2.       Hapon
3.       Inglatera
B.  Magbigay ng mga pangalan ng 15 na  bansa. Gumawa ng tsart at gamitin sa pagtatala ng lokasyon at klima ng mga ito.
C.  Kung papipiliin ka ng lugar kung saan mo nais manirahan, anong lugar ito at bakit?
D. May mga kakilala ba kayo s


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento